LA UNION-Nasa stable na kondisyon na sa LUMC sa Agoo, La Union ang isang SK Chairman matapos na barilin ng hindi nakilalang suspek sa Aringay-Tubao Provincial Road sa Brgy. San Simon East, Aringay ng lalawigang ito kaninang 12:40 ng madaling –araw.
Kinilala ng Aringay Municipal Police Station ang biktima na si John Joaquin Macabinta, 23, walang asawa, SK Chairman at residente ng naturang barangay.
Nabatid na tumawag ang Aringay RHU sa Aringay MPS upang ipagbigay-alam na nagpunta sa kanila ang ang naturang SK Chairman na humihingi ng tulong dahil biktima ito shooting incident.
Ang biktima na nakasakay ng motorsiklo ay bumibiyahe papuntang silangang direksyon sa naturang provincial road nang sundan ito ng isang kulay itim na Fortuner.
Pagdating sa may intersection sa Brgy. San Simon East, bumaba ang biktima sa kanyang motorsiklo.
Ibinaba naman ng suspek ang bintana ng kanyang sasakyan at nakipag-usap sa biktima.
Nang tumalikod na ang biktima para umalis, bigla na lang siyang binaril ng suspek.
Mabillis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril. Rolando S. Gamoso