Home NATIONWIDE SK official, kapatid patay sa pamamaril sa Cotabato

SK official, kapatid patay sa pamamaril sa Cotabato

343
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman at kapatid nito matapos pagbabarilin sa Jose Lim Street, Barangay Poblacion 5, Cotabato City nitong Sabado, Oktubre 4.

Kinilala ni Col. Jibin Bongcayao, city police director, ang biktima na si Prince Mohaz Rafsanjanie Matanog, youth council chair para sa Poblacion 5 sa Cotabato City.

Natamo rin ng tama ng bala sa katawan ang kapatid nitong si Muamar Salvador Matanog, na agad dinala sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng pulang Toyota Raize na may plakang NFJ 8206 nang paputukan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng kabi-kabilang tama ng bala ng baril si Prince Mohaz sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito na sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Agad na naglunsad ng hot pursuit operation ang Police Station 1 na nauwi sa palitan ng putok sa mga suspek.

Tinamaan umano ang isa sa mga sangkot, habang sugatan din sa engkwentro ang isang pulis.

Narekober sa crime scene ang 94 fired bullets.

Nagluluksa naman ang Cotabato State University (CotSU) community sa pagkamatay ni Prince Mohaz, isang third-year student ng Bachelor of Science in Civil Engineering.

Kinondena rin ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang nangyaring pamamaril.

“This brutal and senseless act is an offense against peace, order, and the values of public service that our city stands for,” pahayag ni Matabalao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here