Home SPORTS SMB, Bolts magsasakitan sa Game 5

SMB, Bolts magsasakitan sa Game 5

MANILA, Philippines — Tiniyak ng San Miguel Beer na walang makakasira sa makasaysayang gabi ni June Mar Fajardo bilang 10-time PBA Best Player of the Conference awardee.

Hindi rin pinayagan ng Beermen ang Bolts na ibaon sila sa 1-3 hole.

Sa ginagawa ni Fajardo at sumunod ang mga kasamahan sa koponan, natalo ng defending champions ang Meralco Bolts, 111-101, para pilitin ang kanilang mahihirap na challengers sa 2-2 standoff sa Philippine Cup title series nitong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpasabog si Fajardo ng 28 puntos na may 13 rebounds matapos matanggap ang PBA-Nustar Resort Cebu BPC award na napanalunan niya sa runaway fashion sa 1,100 puntos laban kay Terrafirma rookie Stephen Holt (651) at NLEX’ Robert Bolick (641).

Sinimulan ng higanteng Cebuano ang apoy sa kanyang 12-point flurry sa first period, kung saan nasungkit ng SMB ang 23-9 lead bago tumira sa 29-22.

Nagtayo ito ng momentum para sa 11-point margin sa ikatlo at 12-point cushion sa ika-apat.

“Motivated ako kasi kapag natalo kami, magiging 3-1 (deficit), mahirap na mag-bounce back doon.

Kaya gusto namin talagang manalo at ma-tie iyung series.

Credit sa teammates ko, nag-step up lahat,” ani Fajardo.

Sinuportahan siya nina CJ Perez at Marcio Lassiter na may 22 at 18, ayon sa pagkakasunod.

Ang big man na si Mo Tautuaa ay bumaril ng siyam habang si Vic Manuel, na nakakita ng aksyon sa unang pagkakataon sa finals, ay gumawa ng malaking kontribusyon mula sa bench na may walo habang ang SMB ay naka-net ng pinakamataas na marka nito sa serye laban sa defensive-savvy na Bolts.

Maglalaban ang dalawang koponan para sa control ng laro sa krusyal Game 5 na gagawin din sa Big Dome.JC