Home SPORTS SMB haharap sa NLEX sa q’finals

SMB haharap sa NLEX sa q’finals

358
0

NAKUMPLETO na ang quarterfinals cast ng PBA Philippine Cup matapos ang mga laban nitong Linggo ng gabi.

Bilang defending champion at top seed, makakatapat ng San Miguel Beermen ang No. 8 NLEX Road Warriors sa playoffs.

Papasok ang Beermen na may 9-2 kartada at tangan ang siyam na sunod na panalo bago ang knockout round.

May pagkakataon ang San Miguel na makaganti sa NLEX matapos ang 85-84 na pagkatalo nila sa season opener.

Samantala, nagtapos ang Road Warriors sa 6-5 record at kakailanganing manalo nang dalawang beses upang mapatalsik ang Beermen.

Sa iba pang quarterfinal matchups, haharap ang Rain or Shine sa Meralco, Magnolia sa TNT, at Converge kontra Barangay Ginebra.

Magsisimula ang quarterfinals sa Araw ng Pasko sa Smart Araneta Coliseum kung saan tampok ang SMB kontra NLEX sa unang laro.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here