Home NATIONWIDE Smoke-free generations hirit ng health advocacy group

Smoke-free generations hirit ng health advocacy group

204
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng health advocacy group ang bagong halal na mga opisyal na gumawa ng matatag na hakbang o aksyon para bumuo ng smoke-free at vape-free generation at protektahan ang non-smokers sa peligro nitong health-threatening products.

Dapat umanong tugunan ng mga halal na local at national officials ang paninigarilyo at vaping sa pamamagitan ng pagtataguyod ng reporma at patakaran, istratehiya sa suporta sa pagtigil ng sigarilyo kasama ang anumang pagsisikap na maiwasan ang vaping para protektahan ang kalusugan at kapakanan ng susunod na henerasyon, ayon sa Parents Againts Vape (PAV).

Binigyang-diin diin ng grupo ang kahalagahan ng piblic awareness campaign sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa panganib ng vaping at paninigarilyo.

Karamihan sa e-cigarettes, o vapes, ay naglalaman ng nicotine, na kilalang adverse health effects.

Samantala, hinimok ng PAV at Sin Tax Coalition si ibasura ang House Bill 11360, at sinabi na ang panukalang batas ay hindi lamang simpleng legislative proposal ngunit isang Trojan horse, nagkukunwari bilang isang regulasyon ngunit nagtatago sa loob nito ng mga binhing sisira sa ating mga patakaran sa pampublikong kalusugan.

“We remind our legislators: sin taxes are not just about revenue. They are a shield that protects the next generation. When we lower these taxes, we lower our defenses. When we compromise, it is our children’s lungs, hearts, and futures that pay the price,” sabi ng grupo.

“To yield now would be to betray the public trust, to exchange public health for private gain,” babala ng PAV at Sin Tax Coalition.

Aminado naman ang Department of Health (DOH), na ang nicotine addiction mula sa tobacco products ay nanatiling critical public health challenge sa bansa.

Naalarma rin ang DOH sa tumataas na paglaganap ng adult tobacco at paggamit ng vape, na pinatunayan ng 2023 National Nutrition Survey na nag-ulat ng pagtaas mula 19 porsiyento noong 2021 hanggang 24.4 porsiyento sa mga nasa edad na 20 hanggang 59. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here