Home NATIONWIDE Dating konsehal ng Maynila arestado sa kidnap-for-ransom

Dating konsehal ng Maynila arestado sa kidnap-for-ransom

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na dating konsehal ng Maynila na may outstanding warrant of arrest dahil sa Kidnapping for ransom.

Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang inaresto na si Roderick Dayanan Valbuena na kabilang sa limang akusado sa kidnapping na inihain sa RTC Branch 61, sa Makati City.

Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na lalapag si Valbuena sa Pilipinas sa NAIA Terminal sa Pasay mula Las Vegas kaya agad nagpakalat ng mga tauhan mula sa NBI-International Airport Investigation Division (IAID).

Siya ay dinala sa NBI-National Capital Region para sa dokumentasyon at agad din siyang itinurn-over sa kustodiya ng NBI detention facility sa Muntinlupa City.

Naibalik na rin ang kanyang warrant sa korte.

Si Valbuena ay matagal nang wanted dahil sa kinakaharap na kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden