Home ENTERTAINMENT Vico, pinalilipat sa ibang lugar!

Vico, pinalilipat sa ibang lugar!

Manila, Philippines/ Tunay ngang effective ang leadership ng reelected na Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kung ‘di ba naman, dumarami ang mga netizens na gustong mag-resettle sa nasabing syudad!

Merong interesadong bumili ng property sa Valle Verde.

May ilan ding gustong mag-ambag-ambagan para ma-afford nilang bilhin ang may kamahalang bahay doon.

At ang pinakamatindi–na obyus namang biro–kahit daw sa puno ay okey lang tumira ang ilan basta sakop ng Pasig.

Sinagot naman ‘yon ni Vico as honestly as he could.

Aniya, masikip na raw sa kanyang nasasakupan at baka wala na silang malugaran doon.

Still, hindi pa rin nagpatinag ang mga netizens.

Baka raw pupuwedeng si Mayor Vico na lang ang lumipat sa kanilang lugar.

Obyus na gustong maranasan ng mga ito ang uri ng pamumuno ng anak nina Bossing Vic at Coney Reyes.

Hirit pa ng mga ito, sana raw ay tumakbong Presidente si Mayor Vico if the time is right.

Nangako silang susuportahan nila ito nang todo-todo, itsurang walang kapalit.

Taong 2028 ang susunod na national/local elections.

Sa ngayon ay 35 anyos pa lang si Vico who by then ay 38 years old.

Sadly, short pa siya nang dalawang taon para tumakbong Pangulo.

Posibleng Vico will seek reelection para sa kanyang third and last term sa 2028.

Then bahala na nga ba si Batman? Ronnie Carrasco III