UMABOT sa mababang rekord ang adult smoking na malaganap sa New Zealand.
Ayon ito sa bagong pag-aaral ng tatlong public health researchers, ipinagpalagay ang pagbaba sa malaking bahagi ng tobacco harm reduction strategies.
Ang pag-aaral, inilathala noong June 2026 sa peer-reviewed medical journal The Lancet Regional Health , binigyang diin ang dramatikong progreso ng New Zealand: bumulusok ang adult smoking rates matapos ang 2018, na may taunang pagbaba, sumirit mula 3.5% hanggang 17.9%—”a fivefold acceleration.”
“Joinpoint regression analysis confirms this period as a statistically significant acceleration in decline compared with earlier trends,” ayon sa pag-aaral ng “New Zealand’s accelerating smoking decline: lessons for tobacco harm reduction.”
Ang pag-aaral ay iniakda o sinulat nina Robert Beaglehole at Ruth Bonita, pawang mga professors emeriti sa University of Auckland, kasama si Ben Youdan, isang independent health advisor.
Iniugnay ng mga researcher ang pagbaba sa mahalagang pagbabago noong 2019, gaya ng pagsirit sa vaping at ang hakbang ng Ministry of Health na suportahan ang vapes bilang hindi gaanong nakakapinsalang opsyon at landas palayo sa paninigarilyo.
Pinangunahan ni Beaglehole, dating director ng World Health Organization (WHO), binigyang diin ng team na ang pagtaas ng vaping ay katulad ng mabilis na pagbagsak ng paglaganap ng paninigarilyo.
Iginuhit ng mga mananaliksik ang malinaw na linya sa pagitan ng vaping at smoking, ipinunto na ang nikotina ay hindi responsable para sa karamihang tobacco-related diseases. Inirekumenda ng mga ito na ang public health strategies ay dapat na nakatuon sa pagputol o pagbawas sa pagkakalantad sa combustible tobacco, itinuturong dahilan para sa karamihan sa pinsala.
Natunton naman sa pag-aaral ang tobacco control trajectory ng New Zealand simula noong 2004, kung saan pinagtibay ng bansa ang WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) at ipinatupad ang mga hakbang kabilang na ang ‘ smoke-free areas, warning labels, at tax hikes”, ang paglaganap ng paninigarilyo ay bumagsak sa panahong ito, subalit sa mas mabagal na taunang rate kaysa sa post-2018 na pagbaba.
Binigyang diin ng pag-aaral na, kahit wala ang post‑2018 slide, ang pananaw ng New Zealand na ‘Smokefree 2025’ ay mananatiling hindi maaabot na ilang dekada.
Ang paninigarilyo sa New Zealand ay naging matatag sa ilalim ng 7%, unang-una na sa hanay ng mga matatanda, long-term smokers at disproportionately na nakaapekto sa Māori. Binigyang diin na ang Māori smoking rates ay bumaba sa 50% sa loob ng anim na taon.
Ang mga natuklasan ay nagmumungkahi na kapag pinagsama ang tobacco control measures at harm reduction strategies ay maaaring mas maging mabilis ang progreso tungo sa pagkabawas sa paninigarilyo.
“Maintaining a clear focus on reducing harm from combustible tobacco will be critical to sustaining progress as smoking prevalence declines,” ang winika ng mga may-akda sabay sabing “Further progress will require compassionate and targeted equity-focused interventions and a coherent regulatory framework that covers all nicotine products in proportion to the risks they incur.”