MANILA, Philippines – Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na magkakaroon ng maayos na Transisyon sa Bangsamoro Parliament pagkatapos ang itinakdang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pahayag, sinabi ni Zubiri, tubong Bukidnon, na binuksan ng bagong batas, RA No. 12317 na nagtatakda ng bagong halalan sa rehiyon upang tuluyan nang magkaroon ng tunay halal na opisyales ng BARMM
“This law will finally open the door to a true, elected Bangsamoro Parliament. Kapag may tunay na mandato mula sa mga mamamayan ng mga namumuno sa pamahalaan, mas defined ang accountability, mas matatag ang demokrasya at mas malalim ang ugat ng kapayapaan,” ani Zubiri.
Pinuri ni Zubiri ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa RA12317 na nagtatakda ng bagong petsa ng first regular parliamentary elections sa BARMM na naghawan sa landas upang makahulagpos ang rehiyon sa matagal na Transisyon at magkaroon ng sariling gobyerno na pinili ng taumbayan mismo.
Ayon sa senador na nagbigay ng tunay na puwersa ang batas sa naantalang pangako sa matagal na panahon at itakda ang Bangsamoro people sa pagganap nang buo ng kanilang karapatan na pumili ng lider galing mismo sa balota.
“Now that this law has been signed, the transition must give way to the people’s mandate. Hindi puwedeng laging extension ang sagot. Darating talaga tayo sa punto na ang dapat magsalita ay ang taumbayan ng Bangsamoro, at iyon na ang panahong ito,” ayon kay Zubiri, principal author at sponsor ng batas.
Aniya: “The new law resets the first BARMM parliamentary elections to the second Monday of September this year and aligns the succeeding elections with the national and local polls in May 2031 and every three years thereafter, a timetable that Zubiri had pushed as both more practical and more faithful to the long-term design of the Bangsamoro Organic Law (BOL).”
“The significance of the measure goes beyond election scheduling because it finally begins the shift from an appointed transition arrangement to an elected regional Parliament that will have to answer directly to the people of the Bangsamoro,” ayon kay Zubiri, kinikilalang father of BOI.
“Ang susunod na hamon ngayon ay nasa mga lider na ihahalal ng mamamayan. Kailangan nilang patunayan na ang mandatong ibibigay sa kanila ay hindi masasayang sa pamumulitika o sa pansariling interes,” giit ni Zubiri.
“This is their moment to show that an elected Bangsamoro Parliament can turn self-governance into something real: peace that lasts, institutions that work and progress that reaches ordinary families,” dagdag niya. Ernie Reyes