Manila, Philippines – Ang batikang aktres na si Tessie Tomas ay ilan lang sa mga celebrities na namataan sa protest rally nitong September 21 ng umaga.
Sighted din doon sina Jodi Sta. Maria, Angel Aquino, Andrea Brillantes at Elijah Canlas.
lisa lang ang panawagan nilang lahat na umaayon sa nakasulat sa mga placard–“Lahat ng Sangkot, Dapat Managot!”
Pero pagdating kay Tessie Tomas ay may kakaiba itong hinihirit.
Ito’y ang pagbibitiw ng mga opisyales sa pamahalaan upang bigyang-daan ang isang mapayapang snap elections na pamumunuan ng taumbayan.
Wala mang binanggit na partikular na pangalan si Tessie sa pamahalaan, mahihinuhang mula ito sa pinakamataas na puwesto down.
lbig sabihin, mula sa pang-Panguluhan, Vice President at damay rin pati ang mga Senador at Kongresista.
Bunsod ito ng mga natuklasang kaso ng katiwalian, tulad na lang ng kontrobersyal na confidential funds ni VP Duterte.
Kabilang din ang pagkakadawit ni dating House Speaker Chiz Escudero sa bilyong pisong budget insertion.
Idagdag pa ang umano’y involvement sangkot ang nagbitiw na si Martin Romualdez bilang House Speaker ng Mababang Kapulungan. Ronnie Carrasco III