Home METRO Soberanya ng Pinas sa WPS patuloy na igigiit ng Malakanyang

Soberanya ng Pinas sa WPS patuloy na igigiit ng Malakanyang

308
0

MANILA, Philippines – Alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ipagpapatuloy ng gobyerno ang paggigiit nito sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ng diplomatiko at mapayapang paraan.

Nakiisa ang Pilipinas sa international community sa pagmarka ng ikasiyam na anibersaryo na palatandaan na ang July 12, 2016, Arbitral Award on the South China Sea ay pinagtibay at sinang-ayunan ang sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone nito sa WPS at ideklara na walang legal na basehan ang pag-angkin ng Tsina sa makasaysayang karapatan.

“Sang-ayon sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na ipinaglalaban ng pamahalaan ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng diplomacy, capability-building, international partnerships, at mapayapang pamamaraan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Nanawagan naman ang Malakanyang sa mga filipino na patuloy na suportahan ang 2016 Arbitral Award, binigyang diin ang kahalagahan nito bilang pundasyon para sa ‘maritime rights at sovereignty’ ng Pilipinas sa WPS.

Tinukoy naman ni Castro ang Pulse Asia survey, isinagawa mula June 26 hanggang June 30, nagpapakita na 73% ng mga respondents ay nais na ituloy ng gobyerno na igiit ang sovereign rights ng bansa sa WPS.

Winika pa ni Castro na pinagtibay ng Pilipinas ang commitment nito sa rule of law at United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Naninindigan ang Marcos administration na nanatiling legally binding at nagsisilbing cornerstone ng international maritime law ang arbitral ruling na siya ring nagsilbing gabay sa national policy, kabilang na ang Philippine Maritime Zones Act, at nagpapalakas sa legal at operational posture ng bansa,” diing pahayag ni Castro. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here