MANILA, Philippines – Tinuldukan na ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata sa BF Corporation–Foresight Development and Surveying Company (BFC-FDSC) Consortium para sa Common Station na mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3, at MRT-7, dahil sa labis na pagkaantala ng proyekto.
Ayon sa DOTr, ang desisyon ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang proyekto.
Giit ni DOTr Secretary Vince Dizon, matagal nang dapat napakinabangan ng mga pasahero ang istasyon kung walang aberya.
Target ng ahensya na mapabilis ang konstruksiyon sa ilalim ng New Government Procurement Act o PPP Code. RNT