Home NATIONWIDE Social media post ni PBBM sa suporta ng Vietnam sa PH arbitral...

Social media post ni PBBM sa suporta ng Vietnam sa PH arbitral award inedit

MANILA, Philippines – Inedit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang post nito sa social media na nagsasabing sinuportahan ng Vietnam ang arbitral award sa Pilipinas patungkol sa South China Sea.

Nitong Sabado, Agosto 30, nagpost kasi ang Pangulo ng ilang larawan matapos na bumisita sa Manila si Vietnamese Defense Minister Gen. Phan Van Giang at nagpasalamat sa Hanoi “for supporting the Arbitral Award.”

“We thank Vietnam for the supporting the Arbitral Award. Together, we remain committed to peaceful resolutions, deescalating tensions and ensuring that the rule of law and a rules based international order prevail in our region,” saad sa orihinal na post.

Ngunit kalaunan, inalis ng Pangulo ang pahayag na nagsasabing sinusuportahan ng Vietnam ang legal award sa Pilipinas na nagbabasura sa 9-dash line map ng China sa pag-angkin nito sa malaking bahagi ng South China Sea.

Wala pang tugon ang Palasyo kaugnay dito. RNT/JGC