SEOUL, South Korea- Bumoto ang South Korean lawmakers nitong Sabado upang tanggalin si President Yoon Suk Yeol mula sa opisina matapos ang saglit na pagpapairal nito ng martial law noong nakaraang linggo.
Mula sa 300 mambabatas, 204 ang bumoto para patalsikin ang presidente dahil sa mga alegasyonng insurrection habang 85 ang kumontra rito.
Tatlo ang nag-abstain, habang walong boto ang pinawalang-bisa.
Suspendido na si Yoon sa opisina habang tinatalakay ng South Korea’s Constitutional Court kung pagtitibayin ang pagtanggal sa kanya.
Si Prime Minister Han Duck-soo naman ang tumatayong interim president.
Mayroong 180 araw ang korte upang pagdesisyunan ang magiging kapalaran ni Yoon.
Sakaling suportahan nito ang pagtanggal kay Yoon, siya ang magiging ikalawang presidentena mai-impeach sa kasaysayan ng South Korea. RNT/SA