Home NATIONWIDE DOTr: Asian countries nangunguna sa paglipat sa sustainable transport

DOTr: Asian countries nangunguna sa paglipat sa sustainable transport

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Asian countries ay sama-samang nangunguna sa pandaigdigang pagbabago tungo sa sustainable transportation.

Sinabi ng DOTr Undersecretary  Timothy John Batan na ang mga bansa sa Asya ay gumawa ng “malaking pag-unlad” tungo sa carbon neutrality at economic resilience.

Kasama sa naturang pag-unlad ang pagsugpo sa mga subsidyo sa fossil fuel, paggawa ng mga kalsada at mga proyekto sa pagpapalawak ng riles na sumusunod sa United Nations Sustainable Development Goals (SDGs),at pagiging sentro ng pandaigdigang electric vehicle revolution.

Sa ngayon, sinabi ni Batan na ang climate ambition ng Asia Pacific ay tumaas nang husto ng 93 porsyento noong 2024 bilang tugon sa pagtaas ng kamalayan tungkol sa krisis sa klima.

Nanawagan ang opisyal  sa sektor ng transportasyon ng Asia na manatiling mapagbantay at tumugon sa mga hadlang sa pagkamit ng SDGs.

Isa si Batan sa mga tagapagsalita sa katatapos na high-level na 16th regional Environmentally Sustainable Transport Forum sa Asia dito mula Martes hanggang Huwebes.

Sa temang “Sustainable Urban Mobility Solutions-Empowering Cities towards Low Carbon Pathways for Achieving Co- benefits & Economic Resilience in the SDGs Era,” itinampok ng forum ang mga plenary session sa urban access, mga inisyatiba ng mga internasyonal na kasosyo patungo sa Aichi 2030 Declaration at United Nations  Decade of Sustainable Transport. Jocelyn Tabangcura-Domenden