Home NATIONWIDE Nagpapakita na hindi solido sa Pinas: Malakanyang, nababahala sa pahayag ni Pulong...

Nagpapakita na hindi solido sa Pinas: Malakanyang, nababahala sa pahayag ni Pulong Duterte 

1
0

MANILA, Philippines – “Very alarming” para sa Malakanyang ang tila ipinakikita ni Davao City Congressman Paolo “Pulong” Duterte, isang mambabatas na lubhang parang nagpapakita na ang kaniyang loyalty ay hindi solido sa Pilipinas.

Ito ay matapos akusahan ni Pulong Duterte na si Defense Secretary Gilbert Teodoro na “demonizing” ang China at tila nagpapatupad ng loyalty test .

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na bilang isang filipino, dapat ang puso ay sa Pilipino lamang at hindi pinag uusapan ang loyalty.

“Lahat tayong mga Pilipino dapat ang puso, ang paninindigan, ang ipaglalaban ay ang bansang Pilipinas lamang”, ayon pa kay Castro.

Kaya lubha aniyang kataka-taka at nakakaalarma para sa isang katulad ni Pulong Duterte na isang mambabatas na mistulang nagpapakita na ang kanyang loyalty sa ibang bansa at solido sa Pilipinas.

Bukod dito, wala rin aniyang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa tinuran ni Teodoro dahil ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa bansa.

“Ang sabi nga ng Pangulo pagdating sa pagpuprotekta sa ating interes kahit anuman ang ating kulay, kahit magkakaiba ang pananaw sa ibang issues pero ang patungkol sa pagmamahal sa bansa hindi ito pinag-uusapan”, ayon pa kay Castro

Samantala, ang mga isyu aniya na patungkol sa magiging magandang relasyon sa bansang Tsina ay iba sa isyu ng pagprotekta sa interes ng Pilipinas.

Kaya ang payo pa ni Castro na kung may nagpapakita ny pananaw tulad ni Congressman Pulong Duterte mas magandang lumantad na sila para makita kung sino ba talaga ang totoong nagmamahal sa bansang Pilipinas. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here