Home ENTERTAINMENT Solo concert ni Yesung sa Manila, inaabangan na!

Solo concert ni Yesung sa Manila, inaabangan na!

96
0

MANILA, Philippines – Inaabangan na ng mga ELF ang nalalapit na solo concert ni Super Junior member Yesung dito sa Manila!

Matatandaan na inanunsyo na kasama ang Manila sa mga darayuhin ni Yesung sa kanyang 2023 at 2024 “Unfading Sense” Asia Tour para i-promote ang kanyang latest mini-album na “Unfading Sense.”

Dito sa Pilipinas, ang YESUNG SOLO CONCERT ‘UNFADING SENSE’ IN MANILA ay gaganapin sa New Frontier Theater sa Enero 6, 2024, 6 PM.

Ayon sa local promoter ng concert na PULP Live World, ang ticket ay mula P5,300 para sa REGULAR S; P6,890 para sa REGULAR Y; P10,600 sa VIP S; P12,720 sa VIP Y; at P15,000 para sa Royalty.

May kasama ring fan benefits depende sa ticket tier, katulad ng meet and greet, group photo, signed poster, at photocard.

Nagsimula ang “Unfading Sense” Asia Tour ni Yesung sa Seoul, South Korea noong Oktubre 21 at 22, sinundan ng Jakarta, Taipei, Nagoya, Osaka, Bangkok at Tokyo. Ngayong taon, Macau at Manila naman ang kanyang destinasyon.

Sa mga nais pang humabol, available pa ang ticket ng YESUNG SOLO CONCERT ‘UNFADING SENSE’ IN MANILA, sa lahat ng TicketNet outlets at online sa link na ito.

Taong 2016 nang ipakilala ang Super Junior member na si Yesung bilang solo artist sa kanyang first EP na “Here I Am.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here