Home SPORTS Solomon, 3 pang Pinay swak sa ‘25 Korean V-League Draft

Solomon, 3 pang Pinay swak sa ‘25 Korean V-League Draft

ISA na namang malaking oportunidad ang nagbukas para sa National University (NU) Lady Bulldogs star na si Alyssa Solomon matapos makapasok sa 2025 Korean V-League (KOVO) Asian Quota Draft na isasagawa sa Abril 11.

Si Solomon ay isa sa apat na Pilipinang manlalaro na papasok ang mga pangalan sa prestihiyosong draft na gaganapin sa isang virtual setting sa susunod na buwan, kasama sina Mars Alba (Choco Mucho), Majo Baron (PLDT), at Maddie Madayag, na kasalukuyang nasa Japan.

Ayon sa 6-foot-2 opposite spiker, hindi niya inaasahan ang pagkakataon na ito.

Nauna nang inihayag ni Solomon na hindi na siya maglalaro para sa kanyang final year sa UAAP, kaya naman tila mas nagiging bukas siya sa mga oportunidad sa ibayong dagat. GP