Home METRO 251 nalambat sa weeklong anti-crime ops ng QCPD

251 nalambat sa weeklong anti-crime ops ng QCPD

MANILA, Philippines- Nagresulta ang pinaigting na police operations mula March 2 hanggang 8 sa pagkakaaresto sa 251 indibidwal na nahaharap sa iba’t ibang offenses sa Quezon City.

Sa news release nitong Linggo, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Acting Director Col. Melecio Buslig Jr. na kabilang sa mga nahuli ang 89 wanted persons, 91 illegal gamblers, 62 drug suspects at siyam na indibidwal dahil sa possession of illegal firearms.

Inihayag ni Buslig na sa panahong ito, nagresulta ang 43 anti-drug operations sa pagkakaaresto sa 62 suspek at pagkakasamsam sa P1.8 milyong halaga ng ilegal na droga.

Para sa kampanya kontra illegal gambling, sinabi niyang 91 ang nahuli at P30,772 bet money ang nakumpiska sa 36 operasyon.

Para naman sa kampanya laban sa wanted persons, 39 other wanted persons (OWPs) at 50 most wanted persons (MWPs) ang nahuli, base kay Buslig.

Nagsagawa ang QCPD ng walong operasyon laban sa illegal firearms, nagresulta sa pagkakarekober sa 11 baril at pagkakadakip sa siyam na indibidwal. RNT/SA