Home NATIONWIDE Malakanyang sa ‘arrest warrant’ vs ex-PRRD: Handa ang gobyerno

Malakanyang sa ‘arrest warrant’ vs ex-PRRD: Handa ang gobyerno

MANILA, Philippines- Nakahanda ang Malakanyang sa gitna ng espekulasyon na umano’y nagpalabas na ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

“We’ve heard that an arrest warrant has been issued by the International Criminal Court against former President Rodrigo Duterte for crimes against humanity,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Ad Interim Secretary Jay Ruiz sa isang kalatas.

“The government is prepared for any eventuality,” ang sinabi ni Ruiz.

Sa kabilang dako, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na wala pang kumpirmasyon mula sa Malakanyang hinggil sa umano’y ipinalabas na arrest warrant.

“But as what ES [Executive Secretary Lucas] Bersamin and SOJ [Secretary of Justice] said before, if Interpol will ask the necessary assistance from the government, it will provide,” ang sinabi ni Castro.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Office of the Solicitor General (OSG) na wala pa itong natatanggap na notice sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) laban sa sinumang Pilipino.

“We have not received any such notice from the ICC,” pahayag ni Solicitor General Menardo Guevarra nitong Linggo, Marso 9.

Sinabi ito ni Guevarra kasunod ng balitang naglabas na ng warrant of arrest ang ICC laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nahaharap sa kasong crimes against humanity dahil sa mga pagpatay umano sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Kinatawan ng OSG ang Pilipinas sa paghiling sa ICC na itigil ang imbestigasyon nito sa drug war.

Nanindigan ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC.

Itinanggi ni dating presidential chief legal counsel Salvador Panelo ang impormasyong nagtatangkang tumakas ang dating Pangulo habang nasa ibang bansa ito.

“Fake news. FPRRD and VP Sara are here to speak before a gathering of OFWs to express their thanks for their continued support,” pahayag ni Panelo.

Hinggil naman sa kung kailan babalik ang mag-ama sa Manila, sinabi ni Panelo na, “very soon.”

Subalit, inihayag ni ICC Assistant to Counsel and the Secretary-General of the National Union of Peoples’ Lawyers-National Capital Region Attorney Kristina Conti na hindi pa nakukumpirma ang pag-isyu ng warrant.

“Also, waiting for Karim Khan’s/ICC’s official confirmation if a warrant has been issued and already transmitted to the Philippine government,” wika ni Conti. Kris Jose