Home HOME BANNER STORY Solon na nag-endorso ng impeachment vs PBBM, itinangging pakawala ni VP Sara

Solon na nag-endorso ng impeachment vs PBBM, itinangging pakawala ni VP Sara

210
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay, na nag-endorso sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, ang anumang ugnayan sa kampo ni Vice President Sara Duterte.

Nang tanungin kung siya ba ay nagtatrabaho para sa panig ni Duterte, sagot ni Nisay, “No.”

Ipinaliwanag niya na pinag-aralan niya at ng kanyang legal team ang reklamo ni abogado Andre de Jesus nang ilang linggo matapos siyang lapitan, at naniniwala silang ito ang hinahanap ng publiko.

“Siguro nung nilapit sa akin ni Atty. Andre, pinag-aralang mabuti. Actually, hindi lang naman ako nag-aral nito–syempre, yung mga legal natin. So pinag-aralan namin ng halos ilang weeks. Nakita namin na ito yung hinahanap ng ating mga kababayan,” aniya.

Sinabi ni Nisay na inirekord niya sa complainant ang pagpapaliwanag ng detalye ng impeachment complaint para sa kaalaman ng publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here