MANILA, Philippines – Napasama sa listahan ng binabantayan o isinailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order ang isang kinatawan ng party-list sa kontrobersyal na flood control projects.
Ito ay matapos magreklamo si Magsasaka Party-list Rep. Ferdinand Beltran nang mapasama ang pangalan sa listahan ng ILBO.
Kasunod ito ng naging kahilingan ni Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Rodante Marcoleta.
Giit ni Justice Secretary Crispin Remulla, pinagbatayan lamang ng kanilang inilabas na ILBO ay mula sa request ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Senado.
Nanindigan din si Remulla na hindi sila pwedeng magbigay ng exemption sa ILBO dahil lamang nasa posisyon ang isang tao.
Kahapon, 43 indibidwal ang inilagay sa ILBO ng DOJ na may kaugnayan sa isyu ng maanomalyang flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden