Dalawang barangay captain mula sa bayan ng Makato, Aklan ang naghain ng petisyon sa Commission on Elections (Comelec) para sa diskwalipikasyon ni Aklan 2nd District Representative Teodorico “Nonong” Haresco, Jr., dahil umano sa insidente ng pamimili ng boto.
Sa petisyon nina Henry Olid ng Barangay Tibiawan at Shirly Lagradante ng Barangay Poblacion, iginiit nilang personal nilang nasaksihan ang umano’y pamamahagi ng pera ng mga kaanak at kawani ni Haresco sa Barangay Tibiawan, kapalit umano ng suporta sa kandidatura ng kongresista.







