Home NATIONWIDE VP Sara pinatawag na ng NBI

VP Sara pinatawag na ng NBI

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Bise Presidente Sara Duterte na nakatanggap siya ng summons mula sa Office of the Prosecutor kaugnay ng reklamo na inihain laban sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang kaso ay dulot ng kanyang kontrobersyal na pahayag na siya ay nag-hire ng tao para patayin sina Pangulo Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta, at Speaker Martin Romualdez kung magtagumpay ang diumano’y plano laban sa kanya.

Nilinaw ni Duterte na hindi ito isang banta kundi isang pagpapahayag ng pag-aalala sa kanyang seguridad.

Kinumpirma naman ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang paunang imbestigasyon ay itinakda sa Mayo 9 at Mayo 16. RNT