Home NATIONWIDE Solon pinalagan ang hirit ni VP Sara na ‘pumipera’ mga mambabatas sa...

Solon pinalagan ang hirit ni VP Sara na ‘pumipera’ mga mambabatas sa impeachment

62
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Deputy Speaker Paolo Ortega na iresponsableng diversionary tactic ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na may mga mambabatas na kumikita o “pumipera” sa ginagawang impeachment proceedings laban sa kanya.

Ayon kay Ortega, ang hirit ng Bise Presidente ay gasgas na istilo upang iwasan ang pagsagot sa mga seryosong ebidensyang nakapaloob sa Articles of Impeachment.

Ang pahayag ni Ortega ay bilang reaksyon sa sinabi ni VP Duterte na maraming “pumipera” sa kanyang pangalan at sana ay “maambunan” ang mga constituents ng mga mambabatas ng perang nasa bulsa o maleta ng mga ito.

Para kay Ortega, insulto ito sa mga mambabatas na nag-aral sa mga kaso at tumutugon lamang sa hiling ng publiko para sa pananagutan.

Binigyang-diin niya na hindi na uubra ang “pa-victim script” dahil mismong ang Tangere survey ay nagpakita na 90 porsyento ng mga Pilipino ang gustong makita ang Bise Presidente na humarap sa paglilitis sa Senado.

“Ang gusto ng taumbayan, humarap siya at sumagot. Hindi na uubra ang diversionary tactics dahil masyadong seryoso ang mga paratang at masyadong malaki ang perang pinag-uusapan,” dagdag ni Ortega.

Giit ng House leader, ang impeachment ay hindi na lamang tungkol sa mga press statement kundi usapin na ito ng ebidensya at accountability sa ilalim ng Konstitusyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here