Home NATIONWIDE Solon sa AFP: Hazing sa PMA tuldukan na

Solon sa AFP: Hazing sa PMA tuldukan na

MANILA, Philippines – Umapela si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Romeo Brawner Jr na wakasan na hazing at iba pang hazing-like Philippine Military Academy (PMA).

“I know that Gen. Brawner actively pushed a campaign against hazing during his time in PMA. He should now impose a strict ban,” hamon ni Rodriguez kay Brawner.

Ang pahayag ay ginawa ni Brawner matapos ang naging conviction sa mga akusado sa pagkamatay ng plebo na si
Darwin Dormitorio noong Sept. 18, 2019.

Life imprisonment ang ipinataw ng
Baguio City Regional Trial Court (RTC) Branch 5 sa kasong murder laban sa mga kadete na sina Shalimar Imperial Jr. at Felix Lumbag Jr gayundin sa kasong hazing laban kay Julius Carlo Tadena.

Sinabi ni Rodriguez na ang conviction laban sa mga kadete ay magsilbi nang eye opener para sa AFP at aksyunan ang hazing.

Sinabi din ng mambabatas na ang mga nangangasiwa sa PMA ay dapat din na patawan ng parusa.

“under the Anti-Hazing Law an organization with direct supervision of cadets’ or students’ activities, and those with knowledge of hazing, but who fail to take action are as guilty as direct hazing participants” giit nito.

Matatandan na sina PMA superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista at commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Bacarro ay agad na nagbitiw sa pwesto dahil sa Dormitorio case.

Si Dormotorio ay 20 anyos nang nasawi, kung hindi nangyari ang hazing ay nakagraduate na sana ito sa PMA noong nakaraanh taon. Gail Mendoza