KAPAWA binisita nina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang Orientation at Contract Signing para sa mga bagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) na aabot sa 1,060 mga Navoteño fisherfolk ang nabigyan ng pagkakataong makapaghanapbuhay sa loob ng sampung araw. Sila ay makakatanggap ng P645 kada araw ng trabaho. Ang TUPAD ay isang programang handog ng Department of Labor and Employment na naglalayong mabigyan ng pansamantalang trabaho ang ating mga kababayan. Jojo Rabulan