Home NATIONWIDE Transgen himas-rehas sa sextortion

Transgen himas-rehas sa sextortion

MANILA, Philippines – Nakakulong ang isang 22-anyos na transgender dahil sa umano’y pananakot na maglalabas ng malalaswang mga video ng isang lalaki bilang paghihiganti sa pagtatapos ng kanilang relasyon, iniulat ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP-ACG).

Sinabi ni PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga na ang suspek na si “Jerica” ay naaresto sa isang entrapment operation batay sa reklamo ng biktima.

“The victim stated that the suspect had been his partner for five months, during which they engaged in video calls and exchanged explicit photos and videos. After their relationship ended in July 2024, the suspect retaliated by sharing the intimate contents with the victim’s friends and relatives,” ayon sa ulat ng PNP-ACG.

“The suspect then demanded a meet-up with the victim promising to delete the compromising materials only if he would agree to have sexual intercourse at a hotel,” dagdag pa.

Sinabi ni Cariaga na inihahanda na nila ngayon ang mga kaso para sa paglabag sa Article 286 (Grave Coercion) ng Revised Penal Code at RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009), kapwa may kaugnayan sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), laban sa suspek.

Hinimok din niya ang iba pang biktima ng kaparehong modus, o anumang online na pang-aabuso, na iulat kaagad ang insidente sa pinakamalapit na tanggapan ng PNP ACG para sa maagap at kaukulang aksyon. RNT