Home NATIONWIDE Solon sa TRB: Maayos na serbisyo tiyakin muna bago dagdag-singil sa toll

Solon sa TRB: Maayos na serbisyo tiyakin muna bago dagdag-singil sa toll

MANILA, Philippines- Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian nitong Linggo sa Toll Regulatory Board (TRB) na tiyakin ang mas maayos na serbisyo ng operators ng major toll roads sa bansa bago aprubahan at ipatupad an anumang karagdagang singil sa toll.

Inaprubahan ng TRB ang ikalawang tranche ng toll adjustments para sa North Luzon Expressway (NLEX), na magreresulta sa mas mataas na toll rates para sa mga motorista simula sa Hunyo 4.

“I pass through NLEX regularly and I know the situation firsthand. People usually complain about the faulty cashless reader and horrible traffic, especially during weekends or holiday breaks when there is a surge of motorists traversing the toll road,” anang senador.

“Operators of these toll roads should first fix their defective cashless system and implement a program that would ease traffic congestion before any rate hike is adopted,” patuloy niya.

Binanggit ni Gatchalian na patuloy na nahaharap ang mga motorista sa “vehicular bottlenecks” sa ilang parte ng toll roads, partikular sa mga lugar palapit sa toll booths.

Inihayag din niyang patuloy ang aberya sa cashless payment system ng major toll roads, na nagreresulta sa pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa ilang lugar.

“Any rate adjustment in the country’s main toll roads should translate into higher service standards and better experience for motorists,” pahayag niya.

“Siguraduhin muna ng TRB na maayos ang pagpapalakad ng mga operator sa NLEX at SLEX bago ito magpasya ng dagdag bayad para sa mga dumadaan dito,” dagdag ni Gatchalian. RNT/SA