MANILA, Philippines – Isang bettor ang nagwagi ng P8.7-milyong jackpot sa 6D Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Huwebes, Hulyo 9, 2026.
Nakuha ng nanalong bettor ang tamang kombinasyon na 1-8-6-4-9-4 sa eksaktong pagkakasunod-sunod, kaya nasungkit nito ang jackpot prize na P8,709,275.
Ayon sa PCSO, ang tsansa ng pagkapanalo sa jackpot ng 6D Lotto ay 1 sa 1,000,000. Kailangang tumama ang lahat ng anim na numero sa eksaktong pagkakasunod-sunod upang makuha ang jackpot.
Ang panibagong panalo ay kasunod ng pagkakasungkit ng isang bettor sa P1.8-milyong jackpot prize sa 6D Lotto draw noong Pebrero.
Samantala, walang nanalo sa jackpot ng mga major lotto draw ng PCSO nitong Huwebes ng gabi.
Walang nakahula sa winning combination na 38-29-27-28-42-02 para sa Lotto 6/42, na may jackpot prize na P10 milyon.
Nananatili ring up for grabs ang P63,053,297.45 jackpot prize ng Superlotto 6/49 matapos walang tumama sa winning numbers na 44-23-21-16-36-10.
Ginaganap ang 6D Lotto at Lotto 6/42 draws tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, habang ang Superlotto 6/49 draws naman ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo. RNT