Home HOME BANNER STORY #WalangPasok sa ilang lugar, sa inaasahang hagupit ni Bagyong Inday

#WalangPasok sa ilang lugar, sa inaasahang hagupit ni Bagyong Inday

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa sa Biyernes, Hulyo 10, 2026, dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Inday at Habagat, habang ilang lokalidad sa Cebu naman ang nagkansela ng pasok bunsod ng pagputok ng Kanlaon Volcano.

Saklaw ng suspensiyon ang lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Aurora, Antique, Negros Oriental, Sultan Kudarat, at Maguindanao del Norte.

Sa Pangasinan, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lingayen at Bayambang, habang preschool hanggang senior high school naman ang saklaw sa Basista. Sa San Carlos City, inilipat sa alternative mode of learning ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa Cavite, suspendido o inilipat sa alternative o online mode of learning ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Noveleta, Naic, Ternate, Amadeo, Mendez-Nuñez, Silang, at Tagaytay. Sa Batangas, ipinatupad din ang online alternative mode of learning sa Laurel, San Juan, San Pascual, Batangas City, Bauan, at Calatagan. Ganoon din sa San Pablo City, Laguna.

Sa MIMAROPA, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lubang, Occidental Mindoro, at sa San Vicente, Cuyo, at Roxas sa Palawan.

Sa Cebu, kinansela ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Toledo City at Carcar City dahil sa pagputok ng Kanlaon Volcano. Sa Talisay City, suspendido ang pasok mula preschool hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan lamang, habang inilipat naman sa online alternative mode of learning ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Carmen at Mandaue dahil din sa pagputok ng bulkan.

Sa Negros Occidental, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Talisay. Sa Mindanao, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Iligan City, Lanao del Norte.

Sa Maguindanao del Sur, nagpatupad din ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ang Datu Piang, Datu Salibo, Shariff Saydona Mustapha, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, Sultan sa Barongis, at Shariff Aguak. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here