Home OPINION EL NINO AT SUPER BAGYONG INDAY

EL NINO AT SUPER BAGYONG INDAY

2
0

HABANG preparado ang lahat sa paghagupit ni super bagyong Inday sa ilang bahagi ng bansa, ganito rin kaya tayo kahanda sa hindi magandang pagdating naman ng super El Nino sa buong Pinas?

Ang totoo, hanggang signal numbe 3 lang si super bagyong Inday sa mga lupain at karagatan sa northern Luzon at hindi gaanong iniinda ng mga mamamayan ang ganitong lakas ng hangin ng bagyo.

Gayunman, nagpakalat na ang pamahalaan ng lahat ng kailangang ayuda sa mga mamamayan, kasama ang mga pagkain at gamot.

Ngunit ang laban sa super El Nino paano?

MGA DAM MATUTUYOT

Kung magtutuloy-tuloy ang super El Nino na nagsimula nitong nakaraang buwan ngunit bubuwelo nang husto sa Oktubre hanggang Disyembre at aabot marahil sa unang tatlong buwan ng 2027, malaking perwisyo ang lilikhain nito.

Kabilang sa mga dapat bantayan ang lamang tubig ng mga dam dahil may nagsisimula nang maging kritikal

Ang Angat Dam ay kritikal na umano habang malapit na ring maging kritikal ang Magat Dam sa Isabela.

Ang Angat Dam ay napakahalaga dahil nanggagaling dito ang mahigit 90 porsyentng suplay ng tubig-inumin ng 15 milyong residente ng Metro Manila at ilang milyon pang residente sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Itinigil na nga ng Angat Dam ang maglabas ng tubig sa mga sakahan sa Bulacan.

Ang higanteng Magat Dam ang ikinabubuhay naman ng daan-daang libong ektaryang palayan sa Isabela at Cagayan.

Kung mapipinsala ang produksyon ng bigas, gaano kalawak na kagutuman ng mga mamamayan at kahirapan na rin sa hanay ng mga magsasaka ang magaganap?

Pati panggastos sa mga kabataang mag-aaral at pagpapagamot ng mga maysakit ay maaapektuhan din, lalo na sa bahagi ng mga magsasaka na nabubuhay sa pagpapalay at iba pang pananim.

PAGHAHANDA NASAAN?

May pag-asa pa tayo na mapapalamnan pa rin ang mga dam dahil tag-ulan, tag-bagyo at tag-habagat pa rin.

Ngunit paano kung lilihis ang mga bagyo gaya ng nangyari kay super bagyong Inday sa mga lugar na may dam?

O kung mapalamnan man ang mga dam, paano ang lakas ng super El Nino na umubos sa mga lamang tubig ng mga dam?

Paano ang produksyon ng palay at iba mga pagkain na higit na nabubuhay sa tubig kaysa hindi at ang suplay ng tubig-inumin?

Partikular sa bigas, hindi tayo pupwedeng umasa importasyon dahil tila matatamaan din ng super El Nino ang mga bansang pinagbibilhan natin ng bigas gaya ng Vietnam, Thailand at India.

Kung may mabibili man tayo, tiyak na magiging mahal ang bigas na imported at lahat ng Pinoy, makararanas ng krisis sa presyo rin dito.

Nasaan na nga pala ang paghahanda lalo na ang pamahalaan laban sa supe El Nino at laban sa ibubunga nitong malawak na gutom at paghihirap, lalong pagmamahal ng presyo ng bigas at iba pang pagkain at iba pang krisis?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here