Home NATIONWIDE Solusyon ‘di gulo, hatid ng Alyansa candidates – PBBM

Solusyon ‘di gulo, hatid ng Alyansa candidates – PBBM

MANILA, Philippines- Sa pangangampanya para sa Eleksyon 2025, sinuyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga botante para sa kanyang Alyansa candidates, sinabing hindi sila magdudulot ng kaguluhan kundi solusyon lamang.

“Dito lang po makikita ang Alyansa na hindi nanggugulo,” pahayag ni Marcos sa meeting de avance ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa Mandaluyong City.

Sakaling mabigyan ng pwesto sa Senado, sinabi ni Marcos na magpepresenta ang administration-backed candidates ng solusyon sa mga problema at isyu sa bansa.

Dumalo sa nasabing event sina Panfilo “Ping” Lacson, Pia Cayetano, Lito Lapid, Manny Pacquiao, Vicente Sotto III, Francis Tolentino, Erwin Tulfo, Benhur Abalos, Abby Binay, at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Wala naman sa nasabing pagtitipon si Camille Villar at walang inilabas na pahayag ang kanyang kampo. Subalit, kasabay ang grand Villar rally ng meeting de avance ng Alyansa.

Sa huling campaign rally, sinuyo ng mga kandidato ang mga botante at pinasalamatan ang mga ito para sa kanilang suporta sa kanilang 90-day campaign period. RNT/SA