BINAY PA RIN: Idinaos ngayong araw ng Team UNA sa Makati ang kanilang Miting de Avance, sa pangunguna nina kandidato sa pagka-alkalde Nancy Binay, pambato sa pagka-bise alkalde Monsour Del Rosario, kandidato sa pagka-kongresista ng Ikalawang Distrito Vincent Sese, at ang buong hanay ng mga tumatakbong konsehal mula sa Unang at Ikalawang Distrito. Kasama nilang nagpakita ng suporta sina dating Pangalawang Pangulo Jejomar Binay, Dra. Elenita Binay, at dating alkalde ng Makati na si Junjun Binay. RNT