MANILA, Philippines – Opisyal nang binuksan nitong Mayo 11, 2026 ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Lifestyle Mall, Santo Tomas, Batangas.
Pinangunahan ni Ricky Reyes ang ribbon cutting at blessing kasama ang panauhing pandangal na si Ms. Jo Ann Uy, Cedrick Eliponga (kampyon ng 29th APHCA Hair-Beauty Olympic), Ador Blaza, Ms. Liz Mabao (Ms. Air ng Ms. Earth 2025), at Marck Marasigan (Mr. Celebrity International 2025).
Kilala bilang isa sa pinakamabilis lumago na hair clinic sa bansa, ang pagbubukas ng mga hair clinic ay patuloy na magbibigay ng solusyon sa iba’t ibang problema sa buhok.
Sa susunod na dalawang buwan, plano nitong magbukas ng karagdagang mga sangay, na may kabuuang target na 12 bagong clinics sa loob ng 10 buwan. RNT