Home NATIONWIDE SONA ni PBBM, boring, sabaw – Akbayan

SONA ni PBBM, boring, sabaw – Akbayan

251
0

MANILA, Philippines – Tinuligsa ng mga mambabatas ng Akbayan Party-list ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang kulang sa laman at konkretong plano.

Ayon kay Rep. Perci Cendaña, mistulang “boring accomplishment report” ito na walang nabanggit ukol sa umento sa sahod o makabuluhang reporma para sa manggagawa.

“Nutrition month pa naman, pero puro sabaw at walang kalaman-laman ang report ng Presidente,” aniya pa.

Dagdag pa ni Cendaña na wala man lang nabanggit ang Pangulo ukol sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga Pilipino.

“Sabi niya, ‘invest in the Filipino’, pero wala man lang nabanggit na wage hike para sa mga minimum-wage earners at mga mga government workers. Asan ang investment doon,” dagdag pa niya.

Giit naman ni Rep. Dadah Kiram Ismula, muli na namang hindi nabanggit ang mga katutubo, na patuloy umanong naisantabi sa ilalim ng Bagong Pilipinas. Nanawagan siya ng konkretong plano para sa IPs at kababaihan.

“Zero. That’s the number of times the President has mentioned the indigenous peoples in his SONA since he was elected,” ani Ismula.

Dagdag ni Rep. Chel Diokno na dapat samahan ng gawa ang mga pangako, at tiniyak ng Akbayan Reform Bloc na magsisilbing fiscalizer sa Kongreso upang itaguyod ang pananagutan at walang maiwan.

“Umaasa kaming masusundan ng gawa ang mga salita ng Pangulo. At sa Kongreso, kasama ang Akbayan Reform Bloc, lalo tayong determinadong maging fiscalizer: upang siguruhin ang pananagutan at tiyakin na walang batang maiiwan,” dagdag pa niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here