Home METRO SONA pinaghahandaan na ng MPD

SONA pinaghahandaan na ng MPD

MANILA, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) para sa nakatakdang ikatlong State of the Nation Adress (SONA) ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Ayon kay MPD-PIO Chief P/Major Philipp Ines, mahigit 400 police personnel ang ipapadala sa QCPD kung saan ang area of responsibility ng gaganaping SONA.

Bukod dito, mayroon pang mahigit 600 na naka-standby na handang ideploy sakaling kailanganin.

Nitong Miyerkules, mismong si MPD P/Brig.General Arnold Thomas Ibay ang nanguna sa pag-iinspeksyon sa mga kagamitan ng mga pulis-Maynila upang masiguro ang kanilang kahandaan para sa seguridad ng buong kaganapan sa Hulyo 22.

Nauna nang sinabi ng National Capital Region (NCR) na mahigit 22,000 ang ipapakalat na kapulisan sa araw ng SONA.

Inaasahan kasing sasalubungin ng kaliwat-kanan na mga protesta ang SONA ng Pangulo mula sa mga anti at pro PBBM. Jocelyn Tabangcura-Domenden