MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Biyernes, na ang kanyang talumpati para sa State of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 27, ay 90% nang kompleto,
Irereport niya sa sambayanang filipino ang accomplishments ng kanyang administrasyon at pagtugon sa mga kasalukuyang hamon.
“Well, I always regard the SONA as a report of the President to the public as to what has happened since the last SONA, and that is what we will take up,” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam matapos ang inagurasyon ng Department of Health–Jose B. Lingad Children’s Medical Center sa Clark Freeport Zone sa Mabalacat City, Pampanga.
Winika ng Pangulo na ang pagtugon ang magpapaliwanag kung paano hinarap ng gobyerno ang mga mahihirap na panahon na minarkahan ng global headwinds.
“Our response has been good, and we have had to make adjustments. But those adjustments have been effective and have served their purpose, and I know that it has helped people weather this storm,” aniya pa rin.
At nang tinanong ang Pangulo sa estado ng kanyang talumpati, sinabi nito na patuloy niya itong irerebisa hanggang sa huling minuto upang masiguro na akma itong sasalamin sa mga prayoridad ng administrasyon.
“I’m never done. Until one hour before the SONA, I’m still changing it, because of course, you want it to be perfect,” ang sinabi ng Pangulo, sabay sabing “the actual language is 90-plus percent done” at inaayos na lamang ang magiging haba at completeness ng talumpati.
At nang tanungin ang Pangulo kung magbabanggit siya ukol sa usapin ng korapsyon gaya ng kanyang isiniwalat sa huli niyang SONA, ang tugon ng Pangulo ay “Abangan ang susunod na kabanata.” (KRIS JOSE)