Home OPINION SONA TAPOS NA; ANG BAHA, KORAP PAANO?

SONA TAPOS NA; ANG BAHA, KORAP PAANO?

265
0

TAMA ang hula ng ating Uzi na walang ipagmamalaking anti-flood control project si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ika-4 na State of the Nationa Address.

Sa halip na magmalaki siya, katulad ng ginawa niya noong nakaraang SONA na may mahigit nang 5,500 natapos na proyekto at huwag nang mangamba sa baha ang mga mamamayan, kinastigo nito ang mga korap sa pamahalaan bilang may sala sa tumitindi at patuloy na pagbaha sa buong bansa.

Sabi niya, “mahiya naman kayo” sa mga biktima ng baha sa iba’t ibang kalagayan.

Kasabay nito ang babala na “makukulong” ang mga korap at pagtigil ng mga ito sa paggawa ng “for the boys, sop” at iba pa, kasama na ang mga kontraktor na kasabwat.

TUMAYO NA, NAGPALAKPAKAN PA

Heto ngayon ang nakatatawa o nakaiinsulto raw para sa maraming mamamayan.

Akalain ba nilang nagsitayuan ang halat at nagpalakpakan bilang pagsang-ayon nang lubos sa mga pinagsasabi ng Pangulo.

Nangangahulugan daw ba na hindi kasali ang mga miyembro ng gabinete at iba pang mga taga-Palasyo, kongresman, senador, gobernador, mayor at iba pang mga opisyal sa mga korapsyon at pandarambong na nagaganap?

P600-P700 ANTI-FLOOD PROJECTS

Kung babalikan natin ang mga pambansang badyet laban sa baha sa nakalipas na tatlong taon, umabot na lahat sa mahigit P600-P700 bilyon, kasama ang mga proyekto ng mga local government unit.

Ipagpalagay na nating nagastos na rin ang kalahati ng P350 bilyong badyet para sa taong ito, 2025.

Ngunit sa kabila ng mga dambuhalang badyet na ito mula sa buwis ng taumbayan, nanatili o mukhang lumalala pa nga baha kahit saan sa buong bansa.

Anyare at nagkakaganito?

Ano ngayon ang ibig sabihin ng mga opisyal ng pamahalaan na nagsitayuan at nagsigawan pa bilang pagsang-ayon sa Pangulo sa anti-korapsyon na hakbang nito sa darating na mga araw?

MAGPO-PONCIO PILATO

Sabi ng ating Uzi, kung seseryosohin ng Pangulo ang pagkilos nito laban sa korapsyon, malamang na may magpo-Poncio Pilato sa mga opisyal.

‘Yun bang === may maghuhugas ng kamay at magsasabing wala silang kinalaman sa korapsyo at maging sa baha.

Sabi ng Pangulo, malalaman lang ang korapsyon sa pagsusumite ng Department of Public Works and Highways ng lahat ng proyekto simula noong umupo siya sa Palasyon at kasama na rin pati ang mga ginagawa ngayon.

Magkakaroon ng isang tagasuri sa mga isusumite ng DPWH at susunod ang mga pagsasampa ng mga kaukulang kaso at pagkukulong sa mga mapatutunayang guilty sa korapsyon.

Teka pala, isasama ang mga kontraktor daw?

Baka ang mga ito at tutuhugin at iihawin bilang mga korap.

Pero paano ang mga may 20 porsyento, 10 porsyento, 5 porsyento at iba pa na mga opisyal ng pamahalaan?

Paano ang mga ghost project na mga opisyal din?

ALAM NA ALAM

Sabi ng ating Uzi, nang sabihin ng Pangulo na may “for the boys, SOP”, nangangahulugang alam niyang nagaganap ito.

Bakit daw wala siyang ginawa simula’t simula?

Baka naman tapos na ang kanyang termino, eh, nananatiling happy ang lahat ng mga korap.

Lalo’t inaabot ng siyam-siyam ang pagdedesisyon ng mga imbestigador at hukom sa mga kasong korapsyon at pandarambong.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here