Home NATIONWIDE Sotto: Duterte bloc blangko sa palit-liderato sa Senado; pero bukas sumapi sa...

Sotto: Duterte bloc blangko sa palit-liderato sa Senado; pero bukas sumapi sa mayorya

287
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng bagong halal na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi isinama ang Duterte Bloc sa mga usapan ukol sa pagbabago ng liderato sa Senado, dahil maaaring hindi natuloy kung masyadong maraming kasali.

“Usually, gano’n talaga… ‘Pag masyadong maraming kausap, hindi natutuloy,” ani Sotto, ngunit idinagdag na bukas pa rin ang pintuan ng majority para sa Duterte bloc “for the good of the Senate and the country.”

Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na siya at sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, Bong Go, Rodante Marcoleta, at Robin Padilla na hindi sila kinonsulta.

“Nalito kami kung bakit na-out ang Duterte bloc,” aniya.

Nangako rin si Sotto na ibabalik ang weekly caucus tuwing Lunes bago ang sesyon.

Wala pang napipiling susunod na Senate minority leader.

Sa kabilang banda, Sinabi ni Sotto na walang magiging pagbabago sa naka-archive na impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte hangga’t hindi naglalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa mga nakabinbing motion for reconsideration.

“Wala pa, walang gagalawin do’n until malaman natin kung anong sinasabi ng Supreme Court,” ani Sotto. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here