Home NATIONWIDE Sotto: Senado handa sa special session sa gitna ng oil crisis

Sotto: Senado handa sa special session sa gitna ng oil crisis

108
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vicente “Tito” Sotto III na inaasahang tutugon ang lahat ng senador sa anumang special session na maaaring ipatawag ni Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng oil crisis dulot ng tensyon sa Middle East.

“I will if needed. Not at the moment but I’m sure they are aware of developments in the country,” ani Sotto sa Viber message sa mga mamamahayag.
“All legislators are expected to respond to any special session the President may call,” dagdag niya.

Kaugnay ng deklarasyon ng state of national energy emergency, sinabi ni Sotto na maaaring napansin ng Pangulo na may ilang “unscrupulous people” na sinasamantala ang krisis sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo.

Samantala, ayon kay Sherwin Gatchalian, wala pang pormal na komunikasyon mula sa Pangulo hinggil sa kinakailangang aksyon ng Senado.

“Sa ngayon, base rin sa computation namin, enough pa o kasya pa yung pondo ng gobyerno sa pagbibigay ng iba’t ibang subsidiya. More or less, ang computation namin mga P190 billion. Meron existing ngayon sa General Appropriations Act sa 2026,” aniya.

Hindi pa rin naaaksyunan ng Senado ang Senate Bill No. 1485 o Biofuel Act of 2006, na naglalayong pababain ang presyo ng langis sa pamamagitan ng pansamantalang pagsuspinde ng biofuel blend requirement.

Iminungkahi rin ni Bam Aquino ang posibilidad ng pagsuspinde ng value-added tax (VAT) sa fuel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here