Home NATIONWIDE Sotto, yamot sa PNP matapos kuyugin ng raliyista sa Senado

Sotto, yamot sa PNP matapos kuyugin ng raliyista sa Senado

70
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang pagkadismaya sa umano’y mahinang seguridad ng Philippine National Police (Philippine National Police) matapos umano siyang kuyugin ng ilang raliyista sa labas ng Senado noong Miyerkules ng gabi.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na dismayado siya sa mga security personnel sa labas ng Senado dahil hindi umano nakontrol ang magulong grupo habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan at paalis na sana.

May be an image of text that says "Tito Sotto 10m ·… I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate. The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards. llang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito? Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?"

“I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd, allowing them to assault me while inside my vehicle when I was about to exit the Senate,” aniya.

Ayon kay Sotto, ilang ulit umanong hinampas ng mga raliyista ang kanyang sasakyan, binato ng bote, at sinigawan ng masasamang salita, habang siya ay mag-isang nagmamaneho at walang bodyguard.

“The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards,” dagdag niya.

Kinuwestyon din niya ang presensya ng maraming pulis sa lugar ngunit hindi pa rin umano nito nakontrol ang sitwasyon.

“Ilang truck na PNP ang nakadeploy sa Senate, tapos ganito? Ganito na ba kawalang respeto at walanghiya ang mga taga suporta ng ilang Senador na nag rarally ngayong gabi?” aniya.

Bilang tugon, sinabi ng Philippine National Police na isinailalim sa full alert status ang paligid ng Senado bandang 8:30 p.m. kasunod ng naiulat na pamamaril sa loob ng gusali, at mananatili umano ang kanilang presensya upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here