MANILA, Philippines- Magdudulot ang southwest monsoon ng maulap na kalangitan at ulan sa bahagi ng bansa ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Samantala, si Severe Tropical Storm Mawar (Betty) ay namataan 945 kilometro northeast ng extreme northern Luzon na may maximum sustained winds na 95 kilometers per hour, gustiness hanggang 145 km/h at kumikilos pa-northeastward sa bilis na 25km/h.
Inaasahan naman sa Occidental Mindoro, Antique, at northern Palawan kabilang ang Cuyo, Calamian, at Kalayaan Islands ang monsoon rains dahil sa southwest monsoon.
Makararanas sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, CALABARZON, Bicol Region, at natitirang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas ng “cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms” dahil pa rin sa southwest monsoon.
Sa natitirang bahagi ng bansa, asahan ang”partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa southwest monsoon.
Ang wind speed forecast para sa Luzona at Visayas ay moderate to strong patungong southwestward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Makararanas sa Mindanao ng moderate to strong wind speed patungong south to southwest direction habang ang coastal waters ay moderate to rough din.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:26 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:22 ng hapon. RNT/SA