Home NATIONWIDE Pinas may 1,537 bagong COVID-19 cases

Pinas may 1,537 bagong COVID-19 cases

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,537 bagong COVID-19 cases nitong Huwebes, na nagdala sa active cases sa 15,418.

Ito ang ikalawang sunod na araw ng pagtaas sa bagong kaso mula 14,838 noong Miyerkules, ayon sa ulat.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang National Capital Region sa 7,332, sinundan ng Calabarzon sa 4,820, Central Luzon sa 2,376, Western Visayas sa 1,598, at Bicol Region sa 867.

Sa mga lalawigan at lungsod, ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng bagong impeksyon sa nakalipas na 14 araw sa 1,715, sinundan ng Cavite sa 1,593, Rizal sa 1,107, Laguna sa 1,057, at Bulacan sa 1,006.

Umabot na ang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa bansa sa 4,144,351, habang nananatili ang death toll sa 66,466, base sa DOH.

Samantala, sinabi ng DOH na ang COVID-19 bed occupancy ay 22%, kung saan 5,598 ang okupado habang 19,863 ang bakante.

May kabuuang 7,466 indibidwal ang sinuri, habang 285 testing labs ang nagsumite ng datos nitong Miyerkules. RNT/SA

Previous articleSouthwest monsoon magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Next articleRemulla: Journo killing sa OrMin, tatalupan ng NBI