Home HOME BANNER STORY Remulla: Journo killing sa OrMin, tatalupan ng NBI

Remulla: Journo killing sa OrMin, tatalupan ng NBI

MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes na aatasan niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagpatay sa radio broadcaster sa Calapan, Oriental Mindoro.

“We’re asking the NBI to look into it… because we want to know the motives, the motivations,” pahayag ni Remulla sa isang panayam.

“We will try to get to the bottom of this. Marami na kaming mga leads kung ano ano ang mga motivations na pwedeng nangyari,” dagdag niya.

Pinagbabaril ang radio broadcaster, kinilalang si Cresenciano Bunduquin, 50-anyos, ng dalawang hindi natukoy na gunmen, dakong alas-4:20 ng umaga nitong Miyerkules.

Isa sa mga suspek ang namatay nang habulin sila ng anak ni Bunduquin at “aksidenteng bumangga” sa kanilang motorsiklo.

Ang suspek na kinilalang si Narciso Ignacio Guntan, ay nagtamo ng head injuries na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, ayon sa mga pulis.

Samantala, nakatakas naman ang isa pang suspek.

Base sa PRO MIMAROPA, si Bunduquin ay isang radio commentator para sa DWXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio. RNT/SA