Home HOME BANNER STORY Pagkuha ng appointment para sa US visa application, target pabilisin

Pagkuha ng appointment para sa US visa application, target pabilisin

MANILA, Philippines- Asahan na ang mas maiksing waiting period sa pagpapa-appointment para sa United States visa application sa target ng US Embassy sa Pilipinas na makapagproseso ng 325,000 US visas ngayong taon.

Batay sa ulat, dahil sa pandemya, kinakailangang maghintay ng mga Pilipino ng hanggang dalawang taon para sa visa appointment, subalit nilalayon ng embahada na paiksiin ang nasabing panahon sa apat hanggang limang buwan.

“It is now about four to five months. We are hoping have it within two to three months by the end of the year,” oahayag ni US Embassy in the Philippines Consul General Mark McGovern.

Sinabi rin niya na record-breaking din ang aplikasyon para sa fiancé visa mula noong nakaraang taon.

“We’re issuing record numbers of these, I believe last year was almost 4,900 fiancé visas that we have issued and close to 22 thousand of the immigrant visas that we have issued last year,” aniya,

Subalit, ang proseso sa pagpetisyon sa asawa, anak, o magulang na isang US citizen ay mas matagal.

“The backlog we have now is some on the longer term form in the unification visas. Expect probably within the next six to nine months,” ani McGovern.

Idinagdag niya na kapag ang aplikante ay nag-aapply lamang para sa tourist visa para sa bakasyon na hindi lalampas ng anim na buwan, hindi na umano kailangan ng maraming dokumento.

Inihayag pa ng opisyal na importante na mapatunayan ng aplikante na babalik siya sa Pilipinas matapos ang bakasyon.

“Number one, always tell the truth. Number two, don’t use a lot of these maybe agencies that are being scammers don’t believe that there is a checklist cause none of those stuff exist. Number three, rely on the official information that we have available in all of our websites,” payo ni McGovern.

Nilinaw naman niyang hindi totoo na karaniwang nade-deny ang mga babaeng aplikante.

Inanunsyo naman ng embahada na simula sa Hunyo 17, magkakaroon ng taas-singil sa US visa application. RNT/SA