Home NATIONWIDE Southwest Monsoon magpapaulan sa Luzon

Southwest Monsoon magpapaulan sa Luzon

281
0

MANILA, Philippines- Patuloy na makaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa Luzon ngayong Lunes at magdudulot ng pag-ulan, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, at Bataan ang monsoon rains.

Makararanas naman ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cavite, Batangas, Palawan, Occidental Mindoro, at natitirang bahagi ng Central Luzon ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan.

Nagbabadya sa natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Samantala, magkakaroon ng localized thunderstorms sa Visayas at Mindanao.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Extreme Northern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:26 ng umaga at lulubog ng alas-6:22 ng hapon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here