Home NATIONWIDE Speaker Dy: Kritikal na pag-iisip, sandata laban sa maling impormasyon

Speaker Dy: Kritikal na pag-iisip, sandata laban sa maling impormasyon

1
0

MANILA, Philippines — Hinikayat ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga nagtapos ng Isabela State University (ISU) Batch 2026 na paunlarin ang kanilang kritikal na pag-iisip upang matukoy ang katotohanan sa gitna ng maling impormasyon at pag-usbong ng artificial intelligence (AI).

Sa mensaheng binasa ni Isabela Vice Governor Francis Faustino “Kiko” Dy, sinabi ng Speaker na hindi kayang palitan ng teknolohiya ang kakayahang mag-isip nang tama.

“Huwag ninyo sanang kalilimutan ang isang kakayahang hindi kailanman mapapalitan ng anumang teknolohiya—ang mag-isip nang tama. Napakaraming impormasyon. Napakaraming content. Subalit hindi lahat ng nakikita sa mga screen ay katotohanan. Hindi lahat ng viral ay totoo. At hindi lahat ng artificial intelligence ay intelligent,” aniya.

Ayon kay Dy, mahalaga ang habambuhay na pag-aaral sa panahon ng mabilis na pag-unlad ng AI, ngunit nananatiling hindi mapapalitan ng teknolohiya ang karunungan, tamang paghusga, at integridad.

“Learning should no longer be a stage of life—it should be a way of life. The future belongs to those who never stop learning,” saad niya.

“Technology can give you answers. Only wisdom can tell you which answers to trust. The most powerful tool you will ever have is still your ability to think for yourself,” dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang mga panukalang isinusulong ng Kamara upang mapalakas ang sistema ng edukasyon, kabilang ang pagpapalawak ng access sa dekalidad na edukasyon, scholarship programs, pagpapaunlad sa mga guro, at pagtatayo ng mas maraming silid-aralan.

Sa huli, hinikayat niya ang mga nagtapos na mamuno nang may integridad at kababaang-loob.

“Batch 2026, the future will not be shaped by those who simply adapt to change—it will be shaped by those who have the courage to lead it. Go where your talents are needed. Lead with integrity. Serve with humility.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here