Home HOME BANNER STORY Special committee on ASEAN affairs, binuo ng Kamara

Special committee on ASEAN affairs, binuo ng Kamara

219
0

MANILA, Philippines – Nilikha ng House of Representatives ang Special Committee on ASEAN affairs nitong Miyerkules, at ang asawa ng House speaker na si TINGOG Party-list Rep. Yedda Romualdez ang nahalal na chairperson ng panel na magkakaroon ng 35 na miyembro.

Ginawa ni House Majority Leader Sandro Marcos ang mosyon sa plenary session nitong Miyerkules. Ang mosyon ay naaprubahan nang walang pagtutol.

Ang espesyal na komite ay magkakaroon ng hurisdiksyon sa mga usapin na direkta at pangunahing may kinalaman sa partisipasyon, mga pangako at pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa loob ng Association of Southeast Asian Nations at mga kaakibat nitong katawan, kabilang ang ASEAN Inter-Parliamentary Assembly.

Ito ay magsisilbing katawan upang itaguyod ang kooperasyong panrehiyon, pagkakahanay ng lokal na batas sa mga kasunduan sa ASEAN at ang pagpapalakas ng papel ng Pilipinas sa mga usaping ASEAN sa pamamagitan ng batas, pangangasiwa at pag-uusap sa patakaran. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here