MANILA, Philippines – Nakatakdang magsagawa ng panibagong special job fair para sa Filipino workers sa Calabarzon na apektado ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Sinabi ni Bureau of Local Employment (BLE) director Patrick Patriwirawan na ang aktibidad ay gagawin sa Disyembre 6.
Nauna nang nagsagawa ng job fair ang DOLE para sa POGO workers upang magbigay ng oportunidad sa trabaho sa apektadong manggagawa dahil sa pagtigil ng operasyon sa bansa sa Dis. 31
Sinabi rin ni Patriwirawan na ang department ay tumutulong sa mga POGO workers na iproseso ang kanilang unemployment insurance benefits kung saan 435 aplikante ang nag-apply.
Ang mga mangaggawang ito ay nire-refer din sa pinakamalapit na Public Employment Service Office (PESO) para sa job matching at career development support services. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)